Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
1. Anong pandaigdigang kaganapan ang naganap sa Pasipiko noong
Disyembre 7, 1941?
A. Usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Hapon.
B. Pagbomba ng bansang Hapon sa Pearl Harbor.
C. Pagbomba sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.
D. Pagsuko ng Amerika sa bansang Hapon.
2. Unang binomba ang Pearl Harbor ng Amerika bago sumalakay ang mga
Hapones sa Pilipinas. Bakit ito una nilang ginawa?
A. Pigilan ang Pacific Fleet ng Amerika sa paghihimasok sa aksiyong
militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya.
B. Mas madali itong pabagsakin kaysa sa Pilipinas.
C. Malapit lamang ito kaysa sa Pilipinas.
D. Wala sa mga nabanggit.