Piliin ang mga salita mula sa kahon na tumutugon sa bawat pahayag.
__________1. Isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para sa kanyang itlog at karne. Karaniwang ulam ito ng mag-anak sa hapagkainan.
__________2. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya't ito ay mainam sa pagpapalaki ng katawan at mga kalamnan.
__________3. Uri ng isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng bitamina na kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod-bahay.
__________4. Isang uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.
__________5. Karaniwang inaalagaan ang mga ito sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.
__________6. Isang uri ng pugo na mahusay mangitlog at malaman pa.
__________7. Ito ay magandang pagkakakitaan dahil sa maraming mga produkto na makukuha rito tulad ng balut, penoy, at pulang itlog.
__________8. Uri ng manok na inaalagaan para sa taglay nitong karne.
__________9.-10. Klase ng manok na mainam sa pangingitlog at sa __________ kanilang karne.
manok, Japanese Seattle, itik at pato,
tilapia, Plymouth Rock, layer,
Rhode Island Red, broiler, pugo,