Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Anuman ang kahirapan ng iyong mga tanong, ang aming komunidad ay may mga sagot na kailangan mo.

patnugot ng kalayaan ang pahayagan ng katipunan​

Sagot :

Answer:

KALAYAAN: PAHAYAGAN NG KATIPUNAN

Pinagmulan ng Sosyo-Politikal na kahulugan ng Kalayaan na naging prinsyo at pinaglalaban ng KKK

Nalaman ni Rizal ang salitang Kalayaan o Malaya dahil kay Marcelo H. Del Pilar.

Sapagkat noong una ay hindi niya maisalin ang salitang "Freiheit" sa akda ni William Tell nang isalin ni Plaridel ang kanyang tula na " El Amor Patrio" sa ating wika na "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa" ( Hindi si Bonifacio orihinal na gumamit ng pamagat na ito) sa Diyaryong Tagalog.

Nang makita ng Governador General Ramon Blanco ang paraan ng pakikipagdigma sa kaisipan, gawa at panulat ni Plaridel, tinawag siya nitong-Ang Totoong Kaluluwa ng Paghihiwalay ng Pilipinas sa Bansang Espanya "Verdadeiro Verbo de los Separatistas".

Si Plaridel din ang nagbigay ng sosyo-politikal na kahulugan ito na ginamit naman ng Kataastaasang Kagalanggalang Katipunan ng Mga Anak ng Bayan!

Sa pangunguna ng Supremo Bonifacio at Ni Pingkian Emilio Jacinto dahil sa kanilang kaalaman sa kapangayarihan ng pahayagan na maaabot ng balita ang mas nakararaming mga Pilipino. Isang pahayagan ang kanilang inihanda noon pang 1894. Ang "Kalayaan" ang mga artikulong nakapaloob dito ay gumising sa dugo ng mga rebolusyonaryong mga Pilipino.

Nagbunga ng palaisipan ng mga Kastila kung tunay ngang iang pahayagang ito ay naipalimbag sa bansang hapon. Madalas na sinasabi sa ating kasaysayan na nilagay lamang ito ng Katipunan upang iligaw ang mga Kastila batay sa ulat ni Pio Valenzuela.

Tinatayang nasa 30,000 Katipunero ang naanib sa Katipunan ng ito ay mabasa ng mga kapwa nating Pilipino. Isang pangalan ang gumitaw dito bilang punong editor ng naturang pahayagan- si Marcelo H. del Pilar. Ang kanyang kredibilidad sa Diyaryong Tagalog at La Solidaridad ay nagpundar ng pagtitiwala ng mga Pilipino sa kanilang kapanahunan na hindi nabibigyang diin ng kasaysayan. Dahil iilan lamang ang nakakakilala kina Agapito Bagumbayan, Madlang Away etc.

Sa bagong makakabasa nito at di pa miyembro ng Katipunan ang tanging makikilala lamang ay ang panglan ni Plaridel...Na sa katotohanan ay isinalin sa wikang tagalog nila Jacinto ang mga editoryal ni Plaridel sa La Solidaridad.

Sa kabutihang palad muling binuo ng Vidal publication ang posibleng hitsura ng pahayagan batay sa ulat ng mga Kastila patungkol sa pisikal na kaanyuan nito. Tinungo natin ang Yokohama upang makakuha ng ilang impormasyon patungkol sa pagkakalimbag nito sa lupaing hindi atin.

Batay sa ating pagsasaliksik may mga rebolusyonaryong propagandista ang nanirahan sa Yokohama, may mga posibleng mga taong nag-asikaso nito sa katunayan lumagi dito ang nagbigay ng by-laws ng Katipunan kay Bonifacio na si Doroteo Cortes na kilalang nagpopondo sa kilusang reporma at rebolusyonaryo.

Ating napag-alaman na sa buong bansang Hapon, sa Yokohama ang nagsimula ang pagpapalimbag ng pahayagan kaya dito matatagpuan ang museo ng kanilang mga periodico at mga kagamitan ng pagpapalimbag mas maaga pa sa panahon ng ating himagsikan.

At higit sa lahat ang mga dokumento ng Katipunan na magpapatunay na sila nga'y nagpapalimbag ng pahayagang ito sa bansang hapon.

Explanation:

:)