IDNStudy.com, ang iyong mapagkakatiwalaang platform para sa mga eksaktong sagot. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.
Ang kontinenteng Asya (Asia) (absolute location: 34.0479° N, 100.6197° E) ay ang pinakamalaki at ang pinakamataong kontinente sa mundo. Ito ay makikita sa gawing silangan at hilagang bahagi ng mundo at pinaliligiran din ito ng mga ibang kontinente katulad ng Europe at Africa. Tinatayang umaabot sa mahigit na 44,579,000 kilometro kwadrado ang sukat ng Asya. Gayundin naman, ang sukat nito ay tinatayang mahigit 30 bahagdan ng kabuoan ng sukat ng mundo.
Kung ito ay titingnan sa mapa ng mundo, ang Asya ay pinaliligiran ng Dagat Pasipiko (Pacific Ocean) sa gawing silangan, sag awing timog naman ang Karagatan ng India (Indian Ocean) at sa hilaga naman ang Karagatang Antartika (Arctic Ocean). Ang kontinenteng Asya ay binubuo ng 48 na bansa na hinati sa 5 rehiyon.