Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
PANUTO: Piliin at Itiman ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. 1. Ang pagsasama-sama ng mga salik o input upang makalikha ng isang kapaki-pakinabang na output o produkto ay mahalagang proseso upang patuloy na matugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Anong konsepto sa ekonomiks ang tawag sa proseso na ito? *
A. Pagkonsumo B. Produksyon C. Distribusyon D. Alokasyon
2. Mahalaga ang lupa bilang isang salik ng produksyon. Alin sa mga pangungusap ang magpapatunay ng kahalagahan nito? *
A. Pinagtatayuan ito ng mga pagawaan, tulay at daan, mayroon din yaman mineral, yaman tubig at yamang gubat na makukuha. B. Nagbibigay ito ng serbisyo sa ekonomiya ng bansa. C. Ang kita o upa mula rito ay nagbibigay ng kapital sa lakas paggawa,nagbibigay trabaho, sa entreprenyur at kinokonsumo ang kapital D. makukuha mula rito ang interes na ginagamit para sa ating ekonomiya.
3. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa konsepto ng "LUPA" sa salik ngproduksyon? *
A. Puno B. Makina C. Mineral D. Tubig
4. Ang lakas paggawa bilang salik ng produksyon ay itinuturing na pinakamahalagang salik nito. Paano ito mapatutunayan? *
A. Nakasalalay dito ang sahod na maaaring ibigay sa kapital para makabuo ng isang produkto. B. Pinagbabasehan dito ang dami ng oras para sa upa na ibabayad sa lupa. C. Pangunahing batayan dito ang panahon at lakas sa pagpoproseso para makalikha ng produkto. D. Ito ang pangunahing gampanin ng isang entreprenyur bilang kanyang tungkulin.
5. Kung ang bayad sa manggagawa ay sahod, ano naman ang bayad sa lupa? *
A. Interes B. Upa C. Kita D. Tubo
6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kapital? *
A. Manggagawa B. Makina C. Gusali D. Kompyuter
7. Malaking tulong ang ginagampanan ng mga makinarya sa iba’t – ibang pagawaan na siyang katulong ng mga manggagawa sa pagpoproseso upang makalikha ng kapaki-pakinabang na mga produkto. Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon? *
A. Maraming hilaw na materyales o sangkap ang magagamit B. Maraming output ang mabubuo C. Mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto D. Matutugunan ang pangangalangan ng mga konsyumer
8. Ang mga manggagawang may kakayahang mental o "white collar job" ay mas ginagamit ang kanilang isip kaysa lakas ng katawan sa paggawa, samantala ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o "blue collar job" ay _________. *
A. Ginagamit ang lakas ng katawan lamang. B. Mas ginagamit ang lakas ng katawan kasabay ng angking kakayahan sa kanilang paggawa. C. Kakayahan at talino ng mga manager, doctor, inhinyero at ibang mga propesyunal. D. Nagtatrabaho sa malalaking kompanya.
9. Alin sa salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mentalsa produksiyon? *
A. Lupa B. Manggagawa C. Kapital D. Entreprenyur
10. Ang entreprenyur ang gumaganap bilang tagapag-ugnay sa iba pang mga salik tulad ng lupa, paggawa at kapital ng produksyon. Anong mahalagang katangian ang dapat na taglayin ng isang negosyante sa konsepto ng produksyon? *
A. Dapat magpakita ng mabilis na paggawa at may kakayahang pisikal. B. Dapat hindi nakasalalay sa interes ng kapital, upa sa lupa at sahod sa paggawa. C. Dapat isinasaisip ang apat na salik ng produksyon. D. Dapat na maging malikhan, puno ng inobasyon at laging handa sa pagbabago.
11. Ito ang bunga ng pagsasama ng salik ng produksiyon? *
A. Output B. Function C. Input D. Return of Investment
12. Sa konsepto ng produksyon, input ay mga salik na ginagamit sa paglikha ng kapaki-pakinabang na produkto. Sa nabuong output na "mesa at silya", alin sa sumusunod ang input nito? *
A. Kagamitan, Makinarya, Manggagawa B. Kahoy, Makinarya, Kagamitan C. Kagamitan, Makinarya, Manggagawa, Kahoy D. Tabla, Makinarya, Teknolohiya
13. Bilang isang mag-aaral sa asignaturang Ekonomiks, gaano kahalaga para sa iyo ag mga salik ng produksyon kaugnay sa paglikha ng produkto? *
A. Nagmumula sa lupa ang hilaw na materyales, sa tao ang lakas paggawa, sa kapital ang mga makinarya at sa entreprenyur ang abilidad na mapagsama-sama ang mga salik sa produksyon. B. Nakakukuha ng kabayaran mula sa lakas paggawa, entreprenyur, lupa at kapital. C.Nakabubuo ng limitadong produkto/serbisyo ang mga salik ng produksyon D.Nakakukuha ng tubo sa lupa, ineres sa lakas paggawa, upa sa entreprenyur at sahod sa kapitalista.
14. Itinuturing ang entreprenyur bilang "Kapitan ng Negosyo" sapagkat sila ang tagapag-ugnay, nag-oorganisa, nagkokontrol sa bawat desisyon na maaaring makaapekto sa produksyon. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang ng isang entreprenyur? *
A. Puno ng inobasyon B. Mahusay at malikhain C. May kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan D. Handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo.
15. Nagbayad ng Environmental Fee si Mang Kanor sa pamahalaan ng Rosario bilang mangingisda. Anong Halaga ng Produksyon ang pinapakita rito? *
A. Upa B. Sahod C. Interes D. Tubo
Sagot :
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng iyong karanasan at kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. IDNStudy.com ang iyong mapagkakatiwalaang kasama para sa lahat ng iyong mga katanungan. Bisitahin kami palagi.