Makahanap ng eksaktong solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming platform ng tanong at sagot ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Filipino. Ito ang ating wikang pambansa, wikang dapat ay hinahasa at hindi dapat binabalewala. Ang ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal, lubos na hindi ikinatutuwa ang paglimot sa sariling wika. Sambit niya noong unang panahon, "Ang sino man na hindi marunong magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa kaysa sa mabahong isda". Ang mga katagang ito ay nakababahala lalo na kung tunay kang may malasakit sa sariling wika.
Hindi maikakaila na ang pagpapayaman sa ating pambansang wika ay napakahalaga, pansin ito sa mga kataga na sinambit ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Kaya, sa kagustuhan na mas mapayaman ito, isinali o isinama ito sa sistema ng ating edukasyon bilang isang asignatura. Ang pagsama sa wikang pambansa sa kurikulum bilang isang asignatura ay isang hakbang upang mas epektibo na mapayaman ang ating sariling wika na siyang adhikain ng ating pambansang bayani.
Kaya, mga kapwa ko mag-aaral, nawa ay maisapuso at maitanim sa mga isip natin ang kahalagahan ng ating wikang pambansa sa ating edukasyon. Sapagkat sa pamamagitan ng pag-aaral natin sa ating sariling wika at paggamit nito ay naipapakita natin ang ating pagmamahal dito at pagnanais na mapayaman ito. Kaya, ating mahalin ang ating wikang pambansa sa patuloy na pag-aaral natin sa ating paaralan.
Sagot :
Salamat sa iyong pakikilahok. Huwag kalimutang magtanong at magbahagi ng iyong kaalaman. Ang iyong ambag ay napakahalaga sa aming komunidad. Para sa mabilis at eksaktong mga solusyon, isipin ang IDNStudy.com. Salamat sa iyong pagbisita at sa muling pagkikita.