Sumali sa IDNStudy.com at makakuha ng mga sagot ng eksperto. Sumali sa aming komunidad ng mga bihasa upang makahanap ng mga sagot na kailangan mo sa anumang paksa o problema.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang letra ng wastong sagot

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa uri ng korapsyon sa

Pilipinas?

A. panunuhol

C. ghost projects at payrolls

B. pangingikil

D. pagbabayad ng tamang buwis

_____ 2. Ang tawag sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,

bagay, impormasyon at produkto na nararanasan sa iba’t ibang panig ng

daigdig?

A. globalisasyon

C. outsourcing

B. liberalisasyon

D. Fair Trade

_____ 3. Anong uri ng outsourcing ang pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya

mula sa ibang bansa dahil sa mas mababang singil na bayad?

A. Nearshoring

C. Onshoring

B. Offshoring

D. Outsourcing

_____ 4. Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa lakas at haba ng tag-ulan at dalang ng

pag-ulan. Nagdudulot din ito ng mga kalamidad tulad ng heatwave,

tagtuyot matitinding bagyo at baha.

A. Deforestation

C. Coral bleaching

B. Climate change

D. Global warming

_____ 5. Ano ang naidudulot ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide na naiipon sa

atmospera ng mundo?

A. Deforestation

C. Global Warming

B. Air Pollution

D. El Nino Phenomenon

_____ 6. Tumutukoy ito sa mga isyung nagaganap sa kasalukuyan at

may malinaw na epekto sa ating lipunan?

A. Isyung Pangkalakalan

C. Isyung Pangkapaligiran

B. Isyung Pangkalusuagan

D. Kontemporaryong Isyu

_____ 7. Ang pangulong nagpatupad ng programang Digmaan Kontra Droga o War

on Drugs?

A. Pang. Ferdinand E. Marcos

C. Pang. Rodrigo R. Duterte

B. Pang. Benigno Simeon C. Aquino D. Pang. Gloria Macapagal-Arroyo

_____ 8. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit nag-aagawan ang mga

bansa sa isang teritoryo, MALIBAN sa isa. Alin ito?

A. Pagiging sikat sa ibang bansa

B. Kasaganaan sa likas na yaman

C. Pagtutunggaling may kinalaman sa kultura, relihiyon, at nasyonalismo

D. Bunga ng hindi malinaw na kasunduang nagtakda ng mga hangganan

ng teritoryo.
_____ 9. Sa iyong palagay paano mawawala o maaalis ang korapsyon sa ating

bansa?

A. Magbayad ng buwis na hindi naaayon sa iyong kinikita

B. Maging tapat sa mga binabayarang buwis at paglilingkod sa bayan

C. Magyabang dahil may kakilala sa gobyerno at kumite sa pagpapadrino

D. Magpadulas o manuhol sa kakilala upang mapadali ang transaksyon

sa gobyerno

_____10. Kailan maituturing na ang isang isyu o pangyayari ay kontemporaryong

isyu?

A. Mahalaga at makabuluhan sa ilang magkakaibigan.

B. Walang epekto ang usapin sa lipunan at sa mga mamamayan.

C. Klasikong pangyayari at nakakaapekto sa panahon ng ating mga

ninuno.

D. Kung ang mga isyu ay may mabuti o hindi mabuting impluwensya sa

lipunan sa kasalukuyan.