Sumali sa IDNStudy.com at tuklasin ang komunidad ng mga taong handang tumulong. Tuklasin ang mga kumpletong sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang dayalogo sa ibaba sa panulat ni Rosalyn N. Ayap. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Matamang nakikinig si Franco sa usapan ng kanyang mga lolo lola at nanay habang nasa salas sila. LOLA: Ako ay lubos na nalulungkot sa nangyayari ngayong epidemya. Lubhang nakakabahala. LOLO: Oo nga maraming mga isang kahig, isang tuka ang mas naghihirap pa LOLA: Mabuti na lamang at may kusang palo ang ilan sa ating mga kababayan na naghahatid ng tulong kahit hindi hinihingan. Hindi katulad ng ilang pulitiko ngayon dito sa atin na nagte-tengang ka- wali sa hinaing ng mga tao. LOLO: Palibhasa ang ilan sa mga pulitiko ay nakahiga sa salapi kaya hin- di nararamdaman ang pandemya ngayon. NANAY: Pero Itay, marami rin naman po sa kanila ang busilak ang puso na naglalaan ng oras sa mga mahihirap. Ang ilan ay kidlat sa bilis ang pagkilos matugunan lang ang pangangailangan ng nasasakupan. FRANCO: Lolo, Lola, Nanay, hindi ko po maintindihan ang inyong pinag-uusapan. NANAY: Pinag-uusapan lang namin ang pandemyang nangyayari ngayon. FRANCO: Opo, alam ko po iyon. Pero may mga sinasabi po kayong hindi ko maintindihan. Tulad ng tengang-kawali, bakit po nagkatenga ang kawali, isang kahig, isang tuka pero wala naman pong manok sa pinag-uusapan ninyo. lawit ang dila pero wala naman po akong narinig na pinag-usapan ninyo ang aso. Nagtawanan sina Lolo, Lola at Nanay. LOLA: Apo, ang mga sinabi mo ay mga sawikain. FRANCO: Ano po ang Sawikain? LOLO: Apo, ang Sawikain ay mga salitang may kahulugang hindi tahasan. May naiiba itong kahulugan sa literal na pahayag. Mada- las ito ay ipinahahayag sa malarawan, mapagbiro mapagpatawang paraan. NANAY: Mauunawaan mo ito kapag ginamit na ito sa pangungusap. FRANCO: Ah, kaya po pala. Gusto ko rin pong matuto ng mga Sawikain para maituro ko rin sa aking mga kamag-aaral.

Sagot :