IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mabilis at kaugnay na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng kumpleto at eksaktong sagot mula sa aming komunidad ng mga propesyonal.
Si Lisa, ang Lumolobong Isda Kuwento ni: Jonalyn U. Abalele Ang butete (Puffer Fish) ay may kakaibang katangian. Lumolobo ito kapag nakararamdam ng kapahamakan. Naglalabasan rin ang maraming tinik nito, sa lahat ng parte ng kanilang katawan. Ito ay ang paraan nila para maipagtanggol ang kanilang sarili sa mga kalaban. Ngunit, itong si Lisa ay naiiba sa mga kauri niya. Noong una kasing mapahamak ito, sa halip na bumalik sa dating anyo, sa di-maipaliwanag na pangyayari, nanatili ito sa pagkakalobo. Mas lumalaki pa nga, kapag siya ay nagugulat. Kaya magmula noon, naging mahiyain siya at hindi na palalabas ng bahay. Isang araw, nagkaroon ng isang malaking pagdiriwang sa kanilang lugar. Saka na lamang nangyaring muli makalipas ang maraming taon. Abala ang lahat sa kanilang lugar sa pag-aayos at paglilinis ng kani-kanilang bahay. Iba't ibang naggagandahang disenyo ang nakasabit sa mga daan. Marami ring palabas at mga nakahandang kawili-wiling laro para sa lahat. Sa araw na iyon, nagagalak ang lahat at maingay ang paligid. Lumapit si Lisa sa bintana at tinangkang sumilip para alamin ang nangyayari sa labas. Pagdungaw niya ay namangha siya sa kaniyang nakita. Naaliw siya sa kaniyang panonood. Lumabas siya ng bahay at naglibot-libot. Wiling-wili siya sa kaniyang mga nakikita, dahil halos lahat ng mga batang butete ay nakasuot ng maskara.
Sagot :
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.