IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga maaasahang sagot. Hanapin ang impormasyon na kailangan mo nang mabilis at madali sa pamamagitan ng aming komprehensibo at eksaktong platform ng tanong at sagot.

DIGMAAN
Sa simula pa lang ng kasaysayan ng ating mundo, mayroon nang di-
pagkakasundo sa pagitan ng dalawang grupo ng tao. Anumang pag-aaway
na naglalayong sirain, talunin at pagharian ang bawat isa ay maituturing na
digmaan.
Ang digmaan, civil war, cold war o world war ay nagsisimula lamang
sa di-pagkakaunawaan sa isang maliit o hindi kaya ay malaking bagay.
Nagmimistulang bingi ang magkabilang panig sa pananaw at pangangailangan
ng bawat isa kaya't ito ay nagbubunga sa mas matinding pag-aaway.
Ang digmaan ay nagaganap kapag ang isang grupo o bansa ay handang
makidigma, makuha lamang ang ninanais.
Ang digmaan ay maihahalintulad sa pakikipag-away ng magkaibigan;
mas malawak lamang ang bunga at mas malupit ang kinahihinatnan. Ang
away ay nagsisimula dahil may nag-umpisa at sinusundan pa ito ng kampihan.
Mayroon ding tumatangging makisangkot at nanatiling neutral. Mayroon din
kung saan higit na makikinabang ay doon papanig; at kapag nagbago ang
kapalaran ng pinapanigan at nahalatang natatalo, lilipat na lamang sa panig
ng nananalo.
Sa kasalukuyan, maraming bansa ang handang makidigma. Bagaman
walang malawakang deklarasyon ng digmaan, nakakakita tayo ng maliliit
na hidwaan na nangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Sa gitna ng
diplomatikong pag-uusap upang mapanatili ang kapayapaan sa buong
mundo, may ilang malalakas at malalaking bansa ang naghahanda kung
sakaling sumabog ang isang malawakang digmaan. Patuloy na pinapalawak
ng maraming bansa ang military at warfare nito. Halos kalahati ng mundo ay
naglalaan ng badyet sa militarisasyon kaysa sa pangunahing pangangailangan
ng tao.


Sagot :

Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.