IDNStudy.com, ang perpektong platform para magtanong at makakuha ng maaasahang mga sagot. Ang aming platform ay idinisenyo upang magbigay ng mabilis at eksaktong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Kaugnay na Paksa 2: Gamit ng Isip at kilos-loob 1. Pagproseso ng Pag-unawa Itanong: Ano ang kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-loob sa Sariling Pagpapasya sa pagpapasya? Ang tao ay natatangi sa lahat ng nilikha ng Diyos. Ang tao ay nagtataglay ng isip upang magamit sa pag-unawa at alamin ang katotohanan. Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya't patuloy siyang katotohanang natuklasan. nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa Ang kilos-loob ay ang kapangyarihang magpasya, pumili, at isakatuparan ang kaniyang pinili. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay isang makatwirang pagkagusto o rational appetency dahil ito ay isang pakultad na ibinibigay na impormasyon ng isip. Samakatuwid , nalulugod sa mabuti at umiiwas sa masama. Ito ay nakasalalay sa naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob. Dahil sa kilos-loob, maaaring piliin ng tao na gumawa ng mabuti. Ang gamit ng kilos-loob ay upang kumilos o gumawa. Kapag ginagamit ng tao ang kaniyang kapangyarihang pumili at gumawa ng tama, ipinapakita lamang niya ang kaniyang mapanagutan o responsableng pagkilos. Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan. Sapagkat ang kilos-loob ay hindi lumalapit sa kasamaan kaya't ang tanging tunguhin nito ay ang kabutihan. Sa tuwing gumagawa ang tao ng kabutihan, ito ay pagpapakita lamang ng responsable o mapanagutang pagkilos. Ang gamit ng ating isip at kilos-loob ay nakakatulong sa atin dahil ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng kasiguraduhan na tama at angkop ang mga gagawin nating desisyon at aksyon sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagpapasya upang hindi natin ito pagsisihan sa hull. Sa paggamit ng ating isip at kilos-loob kailangang may disiplina at tiwala tayo sa ating sarili upang masigurado natin na tama ang ating ikikilos at gagawin. Isa pa, dapat marunong rin tayong magkontrol ng ating mga emosyon at nararamdaman. Kaya bago natin gawin ang isang bagay dapat determinado tayo upang makatulong ito sa ating pag unlad bilang isang tao. Ang gamit ng isip at kilos-loob sa sariling pagpapasya at pagkilos ay nagsisilbing gabay sa pagpili at pagkilos alinsunod sa katotohanan at kabutihan. Ang isip at kilos-loob ng tao ang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa ibang nilalang . Naitutulong ng tamang paggamit ng ating isip: a. Ang ating isip ang may kontrol sa ating buong katawan, ito ang may kakayahang mag-isip, magpasya at magdesisyon para sa ating buhay. Kaugnay ng kilos-loob, ang isip ang gumagabay sa isang tao upang gumawa at kumilos ang isang tao tungo sa kabutihan.
Sagot :
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.