IDNStudy.com, ang iyong pangunahing mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay
Ang pagbibigay ng patunay ay isang uri ng pagpapahayag na ginagamit upang patotohanan ang isang pangyayari. Ang
paggamit ng mga pahayag na nagbibigay ng patunay o patotoo ay nagpapakita na ang isang nagsasalita ay mapanuri et
mapagmasid sa kanyang kapaligiran. Ginagamit sa pagbibigay ng patunay o patotoo ang ilan sa pang-abay na pasang-ayon
gaya ng oo, tunay, talaga, totoo, sadya, syanga, at iba pa.
Halimbawa:
1. Talagang mabilis na ang pag-unlad ng agham at teknolohiya sa bansa sa kasalukuyan.
2. Totoong kinikilala na ngayon ang kakayahan ng mga kabataan.
3. Ganoon nga, papalubha na ang suliranin ng pamahalaan hinggil sa trapiko.
4. Sa totoo lang, dapat imulat sa mga kabataan ang magagandang kulturang ating kinagisnan.
5. Tunay nga na ang bayan na may pagtutulungan ay may pag-asenso.