Makakuha ng eksaktong at maaasahang sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Ang aming platform ay nagbibigay ng mga maaasahang sagot upang matulungan kang gumawa ng matalinong desisyon nang mabilis at madali.

Buod: Impeng Negro (Luzon)
ni Rogelio Sikat
Si Impen ay anak ng isang negrong sundalo na bigla na lang naglaho ng siya’y ipinanganak, kaya’t ang kanya na lamang ina ang nag-aalaga sa kanya at sa tatlo pa niyang kapatid na iba-iba ang ama. Si Impen ay isang agwador o taga-igib sa kanilang pook. Siya ay maglalabing-anim na taong gulang na. Lagi na lang siyang pinagkukumpara sa kaniyang kapatid na si Kano, kung tutuusin nga naman siya lang ang tanging maitim o negro sa pamilya.
Gumising si Impen habang pinapangaralan siya ng kanyang ina. Baka na naman daw siyang makipag-away kay Ogro. Kaaway niya ito sa pag-iigib. Lagi siyang tinutukso dahil sa kanyang kaitiman. Kamakailan lamang ay ito ang dahilan ng kanilang pag-aaway. Kinuha na ni Impen ang kanyang kamiseta. Isinuot at umalis na upang mag-igib.
Habang siya ay naglalakad papunta sa poso, ay nakikita niya ang mga tao na nakatingin at tila binabanggit ang salitang negro. Pumila siya sa gitna ng tirik na araw upang mag-igib. Sa di kalayuan ng kanyang kinatatayuan, nakita niya si Ogor na tila nakangisi. Sumigaw ito, "Hoy Negro sumilong ka at baka ka masunog!" Malakas ang narinig niyang halakhakan. Panahon na ni Ogor para sumahod. Habang ito ay nag-iigib kitang-kita ni Impen ang ngisi nito. Sa wakas panahon na ni Impen upang mag-igib. Ilang saglit lang ay bumalik na si Ogor. Siguro ay malapit lang ang pinagdalhan nito ng tubig. Sinabihan ni Ogor si Impen na siya na muna ang pasahurin dahil gutom na siya. Pilit na iginigitgit ni Ogor ang balde ni Impen at gayundin naman si Impen. Nang matapos si Impen ay kinuha niya ang mga balde at humakbang. Sa kanyang paghakbang ay pinatid siya ni Ogor, napadapa siya sa semento at tumama ang kanyang pisngi sa balde. Nanginginig ang kanyang mga daliri, bumuka ang kanyang pisngi at tumulo ang dugo. Hindi pa nakuntento si Ogor at sinipa pa niya si Impen. Napasigaw si Impen at gumulong sa semento sa tindi ng sakit. Nang makita niya na muli siyang sisipain, kinagat niya ang paa ni Ogor at ito’y bumagsak at nagyakap sila. Nang siya’y mapaibabaw ay biglang pumasok sa isipan ni Impen ang mga pangungutya ni Ogor sa kanyang pamilya. Nagdilim ang kanyang paningin at sinuntok ng sinuntok niya ito hanggang sa manghina. Kaya’t sumuko ito. Napatigil si Impen at tumayo. Tumingin sa mga taong nasa paligid niya.
May galak siyang nadama. Luwalhati. Nadama niya ang bagong tuklas na lakas na iyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang makapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Naramdaman niya ang matinding sikat ng araw. Tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.



WRITTEN WORKS
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1. Suriin at tukuyin kung ang anong uri ng elemento at aspetong pangkultura ang tinutukoy sa pahayag. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
_______ 1. Kay Impen umiikot ang buong kuwento na laging nabubulalas ni Ogor.
A. banghay
B. may-akda
C. tagpuan
D. tauhan
_______ 2. Ang pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento na matituturing na tagpuan.
A. bahay
B. lansangan
C. poso
D. tindahan
_______ 3. Ang uri ng buhay mayroon ang pamilya ni Impeng.
A. maralita
B. mayaman
C. maykaya
D. may pera
_______ 4. Sa huling bahagi ng kuwento ay nadama ni Impen ang bagong tuklas na lakas. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan.
A. banghay
B. may-akda
C. tagpuan
D. tauhan
_______ 5. Makikita sa kuwento ang mga pangyayaring nagaganap sa isang tao dahil sa sitwasyon sa buhay at katangian nito tulad ng __________.
A. ang hindi pantay na pakikitungo sa iba
C. ang pagkakaroon ng abilidad
B. ang maayos na pakikitungo ng bawat isa
D. ang pagkakaroon ng respeto sa kapwa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Buoin ang diwa ng talata. Tukuyin sa kahon ang akmang salita na bubuo sa pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

Ang Impeng Negro ay
(1.) ________________ na nasa akdang (2.) ___________. Tinatalakay dito ang pagmamaliit at
(3.) _________________ ng mga taong iba ang katangian at kalagayan o uri ng buhay. Tinalakay din kung paano dapat ipaglaban ang dangal at
(4.) _____________. Hindi dapat sila husgahan at
(5.) _____________ lalo na ng mga taong walang alam sa mga bagay na kanilang hinuhusgahan.

Sanggunian: Pascual Robertson at Vicente Edna. Modyul 11para sa Sariling Pagkatuto Maikling Kuwento(Impeng Negro)

Mga pagpipilian para sa gawain sa pagkatuto bilang 2

Dignidad
Kutyain
Maikling kwento
Pang-aalipusta
Tuluyan