IDNStudy.com, ang perpektong platform para sa eksaktong at maaasahang mga sagot. Tuklasin ang malalim na sagot sa iyong mga tanong mula sa aming komunidad ng mga bihasang propesyonal.


Pambansang Badyet at Paggasta ng Pamahalaan

Ang pambansang badyet ay ang kabuuang planong maaaring pagkagastusan
ng pamahalaan sa loob ng isang taon. Ito rin ang nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa bawat sektor ng ekonomiya. Kung ang revenue o kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito sa isangtaon, masasabingbalanse ang badyet. Ibig sabihin, ang salaping pumapasok sa kaban ng bayan ay kaparehong halaga ng ginastos ng pamahalaan. Samantala, nagkakaroon ng deposit sa badyet (budget deficit) kapag mas malaking halaga ng salapi ang lumalabas kaysa pumapasok sa kaban ng bayan. Kung mas maliit naman ang paggasta kay sa sapondo ng pamahalaan, nagkakaroon ng surplus sa badyet (budget surplus). Nangangahulugan ito na mas malaking halaga ng salapi ang pumapasok sa kaban ng bayan kaysa sa lumalabas

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalaga ang paghahanda ng pambansang badyet sa isang taon?
2. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng badyet?