Suriin ang IDNStudy.com para sa mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Gawain. Balita-Suri! Basahin at unawain ang sumusunod na balita. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
pamprosesong mga tanong sa kalahating papel.
Pagresolba sa Kahirapan
Posted by Dom Guamos and Lady Ann Salem, Manila Today on January 16, 2017
Isa sa mga isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point economic agenda ay ang mabisang
pagsugpo sa kahirapan ng bansa, ngunit tila hindi pa rin nararamdaman ng mga
mamamayan ang mga bunga ng nasabing
plano.
Nanatiling mahigit 70 porsiyento ng mga Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line ngayong 2016. Batay ito sa
pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan nagtanong sila sa mahigit 1 500 na residente kung itinuturing
ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino. Nakikitang rason dito ay ang kasalukuyang unemployment
rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa.
Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ayon sa bagong
pamunuan
ng Department of
Social Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang 4Ps at hindi solusyon sa
kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim
ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong bigas ang 4Ps at
patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakatatanggap ng 4Ps
at ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng perang tulong
sa mga benepisyaryo.
Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na pagsugpo ng kahirapan sa
bansa
lalong lalo na sa pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at
pinakikinabangan ng mga mamamayan.
Bahagi ng
mga hinahapag
sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang
panlipunan at pang-ekonomiya, kasama
na
ang pagresolba ng kahirapan
, at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa
pamamagitan ng reporma sa lupa at
pambansang industriyalisasyon.
Pinagkunan:https://manilatoday.net/top-10-isyu-na-hinihintay-natin-angpagbabago/
Pamprosesong mga Tanong:
1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nabanggit sa balita?
2. Bakit maituturing itong isang kontemporaryong isyu?
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang nabanggit na isyu?
4. Dapat mo bang bigyan ng pansin ang isyung katulad nito?
5. Paano nakaaapekto ang isyung ito sa iba pang isyung kinakaharap ng ating bansa?
6. Ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral?