Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Tuklasin ang mga maaasahang impormasyon sa anumang paksa sa pamamagitan ng aming network ng bihasang mga propesyonal.

IV.

Pagtalakay

Sa bahaging ito ay makababasa ka ng isang pabula tungkol sa

pagkakaiba ng katangian at kakayahang taglay ng bawat isa. Basahin at

intindihin ang nilalaman ng teksto upang higit mong maunawaan ang

pagtalakay sa pagbibigay ng hinuha.

Walang Sinoman ang Nakahihigit

ni Veronica D. Atienza, San Guillermo NHS

Sa isang malayong kagubatan ay

naninirahan ang magkaibigang

sina Kuwago at Agila. Kapwa sila

may angking husay sa panghuhuli

ng kanilang makakain sa arawaraw.

Isang umaga ay nagkita ang

magkaibigan habang sila ay

naghahanap ng makakain.

Nakakita sila ng maliliit na ibon at

mabilis na kumilos ang dalawa

upang mahuli ang mga ito. Lumipad nang mataas sa himpapawid ang mga

maliliit na ibon. Tanging si Agila lamang ang nakahuli sa mga ito sapagkat

nabigo si Kuwago na lumipad nang pagkataas-taas.

"Marahil ay nagtagumpay din ako sa paghuli ng maliliit na ibon kung

may kakayahan akong lumipad nang mataas sa himpapawid tulad mo", ang

wika ni Kuwago kay Agila. Ibinahagi ni Agila sa kaibigan ang nahuli niya at

ito ay kanilang pinagsaluhan.

Pagsapit ng madilim na gabi ay muling nagkita ang
magkaibigan.

Habang sila ay naghahanap ng makakain ay nakakita sila ng mga kunehong

nagtatakbuhan. Kapwa sila mabilis na kumilos upang mahuli ang mga ito

ngunit tanging si Kuwago lamang ang nagtagumpay sapagkat nahirapang

makakita sa dilim si Agila. "Maaaring
nakahuli rin ako ng isa sa mga

kunehong iyon kung ang aking paningin sa dilim ay kasintalas ng sa iyo",

wika ni Agila

"Walang sinoman ang sa atin ay nakahihigit, kaibigan. Tayo ay nilikha

na iba’t iba ang katangian ngunit nagtataglay naman tayo ng kaniyang kakayahan", wika ni Kuwago sa kaibigan habang masaya nilang

pinagsasaluhan ni Agila ang kaniyang nahuling kuneho.

Kinabukasan, dala pa rin ng kagustuhang masubok ang kanilang

kaniya-kaniyang kakayahan ay muling sinubukan ni Kuwago na lumipad

nang pagkataas-taas sa himpapawid. Samantala, si Agila naman ay muling

sumubok na humanap ng makakain sa gitna ng madilim na gabi.


QUESTIONS:


1. Ibigay ang pagkakaiba sa katangian ng magkaibigang sina Kuwago at

Agila ayon sa akda.


2. Sa kabila ng magkaibang katangian nina Kuwago at Agila, ano-ano ang

kakayahang taglay ng bawat isa?


3. Kung may kakayahan lamang si Kuwago na lumipad nang mataas gaya

ni Agila, ano ang maaaring nangyari sa panghuhuli nila ng maliliit na

ibon?


4. Ano naman ang maaaring kinalabasan ng paghuli ni Agila sa kuneho

kung naging matalas din ang kaniyang paningin sa dilim tulad ng kay

Kuwago?


5. Sa iyong palagay, ano ang kinalabasan ng pangyayari sa wakas ng

pabula?

___________________________________________________________________________