Makakuha ng kaugnay na sagot sa lahat ng iyong katanungan sa IDNStudy.com. Tuklasin ang malawak na hanay ng mga paksa at makahanap ng maaasahang sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad.

Basahin ang editoryal at sagutin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ayon sa mga eksperto sa mga sakit, matatagalan pa bago tuluyang mawala ang sakit na COVID-19, lalo na sa Pilipinas. Pero, dahil sa mga bagong bakuna na na imbento laban dito, may pag-asa nang magkaroon ng "immunity" ang karamihan sa mga Pilipino.Ngunit, maraming isyu ang lumabas tungkol sa mga bakuna na gustong kunin ng gobyerno. Isa sa mga ito ay sabi ni Dr. Anthony Leachon, ang dating tagapayo ng IATF laban sa COVID-19. Nagtaka si Leachon kung bakit hindi bakuna galing sa Pfizer ang napili ng gobyerno. Bukod dito, tinanong niya ang gobyerno kung bakit binibigyan ng prioridad ang bakuna galing sa China na hindi pa natapos ang pag-aaral tungkol sa mga epekto nito sa tao.Subalit, atin pa ring tandaan na ang bakuna ay hindi isang mahikang solusyon sa pagkawala ng COVID-19. Ayon sa World Health Organization (WHO) dapat pa rin daw bigyan ng prioridad ang mga health protocol katulad ng "test, trace, isolate" na programa para mas mapabilis ang pagkawala ng sakit na ito.

1. Ano ang paksa ng editoryal? *



a. Kahulugan ng COVID19

b. Bakuna laban sa COVID19

c. World Health Organization

d. Health Protocol

2. Bakit kailangan natin mabakunahan? *



a. Magkaroon tayo ng "immunity" sa katawan nang malabanan ang sakit na COVID19.

b. Magkaroon ng pagkakataon na makalabas na ng bahay.

c. Magkaroon ng maraming pera ang IATF.

d. Mapatunayan ng mga eksperto na epektibo ang bakunang naimbento nila.

3. Ano ang isyung nabanggit sa editoryal? *



a. Matatagalan pa ang pagkuha ng bakuna sa ibang bansa.

b. Walang kasiguruhan ang epekto ng mga bakunang kinukuha ng gobyerno.

c. Pagtataka ni Dr. Leachon kung bakit mas prioridad ng gobyerno ang bakuna galing sa China at hindi ang galing sa Pfizer.

d. Dadaan muna sa WHO ang bakunang kukunin ng Pilipinas bago ito ipamahagi sa publiko.

4. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano pa rin ang dapat bigyang prioridad sa paglaban sa COVID19? *



a. Dapat pa rin tandaan ang mga health protocol katulad ng "test, trace, isolate" na programa.

b. Dapat isipin muna ang pagbabakuna ng mga bata’t matatanda.

c. Dapat manatiling nakaantabay sa mga balita at impormasyon.

d. Dapat unahing bakunahan ang mga pulitiko, doktor, nars at uniformed personnel.

5. Paano mo mapapanatiling ligtas ang iyong sarili habang wala pa ang bakuna? *

a. Maging una sa balita’t impormasyon sa TV o pahayagan tungkol sa paglaban sa COVID19.

b. Manatili sa tahanan kung walang importanteng gagawin sa labas.

c. Kumain ng masusustansiyang pagkain at prutas na magpapalakas ng ating immune system.

d. Lahat ng nabanggit ay tama.



Sagot :