IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mga sagot ng eksperto at komunidad. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.

RA 9275 o "Philippine Clean Water Act"
Ang batas na ito ay bilang pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
RA 7586 (National Integrated Protected Areas System Act of 1992)
Ang batas na ito ay naglalayong protektahan ang mga lugar na kinikilalang loklukan
ng mga uri ng hayop at halaman na may kaunting bilang na lamang at nanganganib
na mapuksa. Ang batas na ito ay isinakatuparan bilang pagkilala sa pangangailangang
mapanatili ang balanse ng ekolohiya at kalikasan. Ito rin ay bilang paniniguro na
matatamasa pa ng susunod na henerasyon ang kagandahan ng kapaligiran, sa harap ng
napakabilis na pagsulong ng modernisasyon at teknolohiya
RA 9147 Wildlife Resources Conservation and Protection Act
Konserbasyon at pagbibigay proteksyon sa mga manlap na hayop at ang kanilang
habitas upang mapanatili ang ecological diversity
Pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng mailap na hayop
at paglalaan ng pondo sa pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000)
Tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste
sa mga barangay.
Sanggunian: Ugaling Pilipino sa Makabagomg Panahon 6. Batayang Aklat
ph. 96
Mga Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit nagtakda ang pamahalaan ng mga batas
hinggil sa pangangalaga sa kapaligiran?
2. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa batas na ito? Bakit?
3. Ano kaya ang mangyayari sa ating kapaligiran kung hindi natin
pinahahalagahan ang ating kalikasan?