IDNStudy.com, ang iyong gabay para sa maaasahan at mabilis na mga sagot. Magtanong ng anumang bagay at makatanggap ng agarang tugon mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Gawain 6: Simbolismo ng Tula
Panuto: Basahin at suriin ang bawat piling saknong ng tula. Isulat ang simbolismo
na ginamit at ibigay ang kahulugan nito. Gawin sa sagutang papel
1. Isang panyong puti ang ikinakaway,
Siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)
2. Lubog na ang araw, kalat na ang dilim
At ang buwan nama’y ibig nang magningning;
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)
3. At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong ami’y meron pang musiko
Ang aming tahanan’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
Salamat sa Diyos ang nabigkas ko,
Nalalaman nila na darating ako
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)
4. At ako’y tumuloy… pinto nang mabuksan,
Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi, "Irog ko, paalam!"
(Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus)
Sagot :
Ang iyong kontribusyon ay napakahalaga sa amin. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at kasagutan. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.