IDNStudy.com, ang iyong destinasyon para sa mga sagot ng eksperto. Alamin ang mga detalyadong sagot mula sa mga bihasang miyembro ng aming komunidad na sumasaklaw sa iba't ibang paksa para sa lahat ng iyong pangangailangan.

Isagawa Panuto: Suriin ang halaw na bahagi ng dalawang sanaysay mula sa blogspot.com at alamin kung anong uri nito. Kopyahin ang kahon sa ibaba at ilagay ang sagot sa loob nito. Sanaysay 1 Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo,sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi naman natin nakikita, kapre,tikbalang, manananggal,tiyanak,multo, at mangkukulam.Mga lamang-lupa raw ang tawag dito.Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at luya.Mga lamang-lupa rin naman iyon. Kapag nagkakasakit tayo,ipinipilit ng nanay na masarap ang lasa ng gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot.At may batok ka galing kay tatay kapag nailuwa mo at naisuka.Sayang ang ipinambili ng gamot. Sanaysay 2 Ang ating mundo ay nangangailangan ng balance upang mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ay nagdidikta sa kaayusan o "pagiging balance" ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi mapanatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Sa basurang itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw,dahan-dahan nating sinisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan.Sa mga produkto na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang recycle upang mapababa ang basura na likha ng mga ito. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaaring pang i-recycle upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa mundo. Kung hindi tayo kikilos sa ngayon,baka mahuli ang lahat. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Uri ng Sanaysay Paksa o Tema Tono 8 SANAYSAY 1 SANAYSAY 2 ||​

Isagawa Panuto Suriin Ang Halaw Na Bahagi Ng Dalawang Sanaysay Mula Sa Blogspotcom At Alamin Kung Anong Uri Nito Kopyahin Ang Kahon Sa Ibaba At Ilagay Ang Sagot class=