IDNStudy.com, kung saan nagtatagpo ang mga eksperto para sagutin ang iyong mga tanong. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
sagawa Panuto: Basahin ang maiksing kwento sa ibaba. Kung ikaw ang nahaharap sa ganitong sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel Dahil sa Tunay Kitang Kaibigan Panulat ni Pamela P. Calbay Sina Carmela at Bernadette ay matalik na magkaibigan. Nasa elementarya pa lamang sila ay lagi na silang magkasama. Magkasundo sila sa maraming bagay. Masayahin at magaling kumanta si Bernadette kaya lagi siyang nasasali sa mga singing contest sa loob at labas ng paaralan. Samantala, si Carmela naman ay isang honor student at laging top sa klase. Hanggang noong sila ay nasa ika-7 baitang, lalong nahasa si Bernadette sa pagkanta. Idinadayo na siya ng kaniyang ina sa iba't ibang lugar kaya dumalas ang kaniyang pagliban sa klase. Pangarap talaga ni Bernadette maging isang singer at makapagtanghal sa telebisyon kaya pinagbubuti nya ang kanyang pageensayo sa pag-awit araw-araw. Nabahala naman si Carmela sa lagay ng pag-aaral ni Bernadette lalo na ng kinausap siya ng kanilang gurong tagapayo upang pagsabihan ang nanay ng kaniyang kaibigan na kailangan magtungo sa paaralan. Ito'y dahil sa patuloy na pagbaba ng marka ni Bernadette sa klase. Nang makausap ng guro ang nanay ni Bemadette, binigyan niya ito ng pagkakataong makabawi sa mga pagsusulit na di niya nakuha gayundin sa mga output na di naipasa nang sa gayon ay mapataas niya ang kanyang grado sa klase. Nanganganib na kasi siyang bumagsak at umulit sa baitang 7. Nahihirapan si Bernadette na makahabol sa aralin kaya siguradong mahihirapan din siya sa pagsusulit. Batid ni Carmela na kailangan ni Bernadette ng tulong nya. Bago pa man dumating ang araw ng pagsusulit humingi si Bernadette ng tulong sa kaibigan, nais niyang bigyan siya ni Carmela ng mga tamang kasagutan sa mga test nang sa gayon ay mataas ang makuha niyang puntos. Tanong: 1. Kung Ikaw si Carmela ano ang iyong gagawin upang tulungan ang iyong matalik na kaibigan? 2. Tama ba ang hinihiling ni Bernadette na tulong sa kaibigan? Bakit? 3. Kung sa pagkakataon na di mapagbigyan ni Carmela ang hiling ng kaibigan, magiging dahilan ba ito ng pagkasira ng kanilang matagal na pagkakaibigan? Ipaliwanag. 4. Kung ikaw si Carmela, paano mo tutulungan ang iyong matalik na kaibigan? 5. Mayroon bang moral na batayan ang iyong ibinigay na kasagutan? Ano ang mga ito?
Sagot :
Maraming salamat sa iyong kontribusyon. Patuloy na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Sama-sama tayong magtatagumpay sa ating layunin. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.