IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba at isulat ang pang-abay na may diin
sa tamang hanay ayon sa uri nito.



Si Bulan at si Adlaw

(Kwentong-Bayan ng mga Tinggian)



Noong unang panahon daw ay may nag-isang dibdib na dalawang
nilalang na nagngangalang Bulan at Adlaw. Sa tamis ng kanilang pagsasama ay nakaanak
sila nang marami. Nagpatuloy ng pag-aanak si Bulan hanggang mapuna ni Adlaw na
maraming-marami na pala ang mga bunga nila at nagsisikip na sila
sa kanilang bahay.

Naisip ni Adlaw na kausapin si Bulan na
pagpapatayin na lamang nila ang iba pa nilang mga anak upang muling lumuwag ang
kanilang tinitirhan. Tumutol si Bulan sa mungkahi ni Adlaw at ito ang naging
dahilan ng kanilang madalas na pag-aaway. Halos nag-aaway sila araw-araw na para silang mga aso’t pusa. Umiksi na ang pisi ni Bulan kay Adlaw
kaya’t nagpasiya siyang makipaghiwalay na lamang dito. Lubhang nagalit si Adlaw. Pumayag din siyang makipaghiwalay kay Bulan sa
kondisyong isasama lahat ni Bulan ang kanilang mga anak at huwag nang pakitang
muli sa kanya.

Kaya ngayon, makikitang si Adlaw o ang araw ay
nag-iisang sumisikat sa araw, at si Bulan o ang buwan ay sa gabi na lamang lumilitaw na kasama ang kanyang mga anak na mga bituin. At
kapag nakakatagpo sila, sumisidhi raw ang poot ni Adlaw kay Bulan. Mabilis na tinutugis niya ito na siya raw
dahilan sa pagkakaroon natin paminsan-minsan ng laho o eklipse.



Pamanahon

Panlunan

Pamaraan

Panggano

Ingklitik/Kataga