IDNStudy.com, ang platform na nag-uugnay ng mga tanong sa mga sagot ng eksperto. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

Pag-aralan ang mga sumusunod na sitwasyon at alamin kung alin sa mga ito

ang nagpapakita ng tama o moral na pagpili na may kinalaman sa kapaligiran. Isulat

sa iyong kuwaderno ang iyong saloobin.

1. Ang isang korporasyon ng minahan ay nagpasya na magtipid at hindi nagtayo ng

isang epektibong kagamitan sa pag-iimbak para sa basura ng pagmimina. Ang hindi

wastong naka-imbak na basura ay tumagas at nadumihan ang kalapit na ilog,

nalason ang lamang-dagat, at naging dahilan ng pagkakasakit ng mga tao sa kalapit

na nayon.

2. Isang negosyante ang bumili ng isang malaking bukirin at nagpasya na gawin

itong isang subdivision. Sa panahon ng konstruksyon, daan-daang mga puno ang

nabunot at ang mga sapa ay natakpan ng semento.

3. Pinangunahan ng isang lokal na opisyal ang isang kampanya na magreserba ng

malaking ektarya ng kagubatan sa kanilang lungsod bilang isang lugar ng tubigan.

Ang lugar na ito ay idineklara na limitado sa mga magtotroso at minero.

4. Isang kanlungan ng hayop na nakipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang

magsagawa ng libreng pagbabakuna para sa mga lagang hayop. Ang kanlungan ay

nakapg-ugnayan din sa lokal na pulisya upang tugunan ang mga kaso na

kinasasangkutan ng pagmamalupit sa hayop.​