IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa mabilis at eksaktong mga sagot. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.
Pagkasira ng Kagubatan Ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan ay isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran. Masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat ang likas na yaman ng kagubatan ay nababawasan. Pinipiling putulin ang mga punong may ilang libong taon nang nabubuhay sa kagubatan at hindi ito basta lamang napapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring species ng halaman at hayop ang nanganganib dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ang pagkakalbo ng kagubatan ay nagbibigay-daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, pagguho ng lupa, siltasyon, at sedimentation. Batay sa pag-aaral ng Asian Development Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan, at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahing sanhi ng problemang ito ay ang komersiyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagpuputol ng puno upang gawing panggatong, at ang pagkasunog ng gubat. Matapos mong basahin, unawain, at suriin ang teksto ay ibahagi mo sa iyong mga kamag-aral ang iyong naging kaisipan at saloobin kaugnay sa lawak ng likas na yaman ng Asya, at kung paano ito humaharap sa ilang suliraning pangkapaligiran sa kasalukuyan. Punan mo rin ng mga detalye ang kasunod na tsart sa Gawain 5 na maaari mong magamit sa talakayan.
Sagot :
Salamat sa iyong presensya. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Ang iyong kaalaman ay mahalaga sa ating komunidad. Ang IDNStudy.com ay laging nandito upang tumulong sa iyo. Bumalik ka palagi para sa mga sagot sa iyong mga katanungan.