IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan para sa malinaw at maaasahang mga sagot. Makakuha ng impormasyon mula sa aming mga eksperto, na nagbibigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga tanong.
Basahin mo ang isa pang halimbawa ng tula. Suriin mo ang pagkakabuo nito at ihambing sa tulang naglalarawan.
ITO PO YUNG TULA⬇
Ang Pagbabalik ni Jose Corazon de Jesus
Babahagya ko nang sa noo'y nahagkan, Sa mata ko'y luha ang nangag-unahan; Isang panyong puti ang ikinakaway, Nang siya'y iwan ko sa tabi ng hagdan: Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Mamatay ako,siya'y nalulumbay!
Nang sa tarangkahan,ako'y makabagtas Pasigaw ang sabing,"Magbabalik ka agad!" Ang sagot ko'y "Oo,hindi magluluwat!" Nakangiti akong luha'y nalaglag... At ako'y umalis,tinunton ang landas, Nabiyak ang puso't naiwan ang kabiyak;
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim, At ang buwan nama'y ibig nang magningning: Maka orasyon na noong aking datnan, Ang pinagsadya kong malayang lupain: Kuwagong nasa kubo't mga ibong itim, Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naro'ong tahanan'y kumakatok, Pinatuloy ako ng magandang loob; Kumain ng konti,natulog sa lungkot, Ang puso kong tila ayaw nang tumibok; Ang kawikaan ko, "Pusong naglalagot, Mamatay kung ako'y talaga nang kulog!"
Nang kinabukasang magawak ang dilim, Araw'y namimintanang mata'y nagniningning; Sinimulan ko na ang dapat kong gawin: Ako'y nag-araro,naglinang,nagtanim; Nang nadidisyembre,tanim sa kaingin, Ay ginapas ko na't sa irog dadalhin.
At ako'y umuwi, taglay ko ang lahat, Mga bungang-kahoy,isang sakong bigas; Bulaklak na damo sa gilid ng landas, Ay pinutol ko na't panghandog sa liyag; Nang ako'y umalis, siya'y umiiyak... O, marahil ngayon, siya'y magagalak!
At ako'y lumalakad,halos lakad takbo, Sa may dakong ami'y meron pang musiko Ang aming tahana'y masayang totoo At nagkakagulo ang maraming tao... "Salamat sa diyos! " ang nabigkas ko, "Nalalaman nila na darating ako. "
At ako'y tumuloy ... pinto ng mabuksan, Mata'y napapikit sa aking namasdan; Apat na kandila ang nangagbabantay; Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay; Mukha nakangiti at nang aking hagkan; Para pang sinabi, "Irog ko, paalam! "
Sagot :
Maraming salamat sa iyong aktibong pakikilahok. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay at produktibong komunidad ng kaalaman. Para sa mabilis at maasahang mga sagot, bisitahin ang IDNStudy.com. Nandito kami upang tumulong sa iyo.