Suriin ang IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at praktikal na mga solusyon sa lahat ng iyong mga katanungan.

Gawain 1: Pagsusuri sa Sitwasyon Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba at sagutin ang mga gabay na tanong.

Masayang namumuhay at nagkakasundo ang pamilya Perez. Ang panganay na anak na si Cecille ay magkokolehiyo na samantalang ang bunsong anak na si Ana naman ay Grade 9 na sa darating na pasukan. Niregaluhan si Cecille ng isang laptop dahil kakailanganin niya ito sa kanilang online classes. Nakaramdam ng selos si Ana sa natanggap na regalo ng kaniyang nakatatandang kapatid at ito ay kaniyang sinarili na lamang. Kahit naisin niya na magpabili din ay alam niyang hindi kakayanin ng badyet ng kanilang pamilya. Lumipas ang mga araw at napansin ng nanay na nabawasan ang sigla at saya ni Ana. Kinausap niya ang kaniyang asawa sa napansin na pagbabago sa bunsong anak. Kinagabihan ay nagdesisyon na kausapin ng mag-asawa ang kanilang mga anak. Ipinaliwanag ang kanilang naging desisyon at ito ay naunawaan naman ni Ana. Nangako din si Cecille na kanilang pagsasaluhan ang paggamit ng laptop sa kanilang pag-aaral.

Mga gabay na tanong:
1. Nakaranas ka na ba ng parehong emosyon katulad ni Ana? Ilahad ang naging karanasan. Kung hindi naman, ano ang masasabi mo sa ginawa ni Ana na pananahimik at pagtatago ng saloobin?

2.Anu anong mga katangian ang iyong naobserbahan sa pamilya Perez? Masasabi mo ba na may bukas na komunikasyon sa loob ng kanilang pamilya? Ipaliwanag.​