Sumali sa IDNStudy.com at simulang makuha ang maaasahang mga sagot. Sumali sa aming interactive na platform ng tanong at sagot para sa mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.
A BC Pagyamanin TAKDANG ARALIN 4 Gawain 1: Maglista ng limang pangungusap na may retorikal na pang-ugnay sa sanaysay na nasa ibaba. Bilugan ang pang-ugnay. Ang Kahalagahan ng pagreresiklo Ang ating mundo ay nangangailangan ng balanse upang mapanatili nito ang kaayusan ng ecosystem. Ang ecosystem na ito ang nagdidikta sa kaayusan o "pagiging balanse" ng ating kapaligiran at nagiging dahilan ng balanseng pamumuhay ng lahat ng nilalang na nakatira dito sa ating planeta. Hindi lamang ang mga tao ang kasama sa usaping ito. Mahalaga ring malaman na ang mga hayop at halaman na kasama nating namumuhay rito ay nangangailangan din ng mabuting pamumuhay. Kung hindi mapananatili ang balanseng sistema nito, maaaring magdulot ito ng mga problema hindi lamang sa ating panahon kundi pati na rin sa mga panahong darating. Ayaw nating lahat na mangyari ito at magdusa ang lahat. Gusto nating magkaroon ng magandang sistema ang ating mundo upang tayong lahat na nabubuhay rito ay magkaroon ng maligaya at malinis na pamumuhay. Baka sa mga basurang itinatapon nang walang kontrol sa araw-araw ay dahan-dahan nating nasisira ang ating kapaligiran lalo na ang mundong ating ginagalawan. Ngunit may panahon pa para magbago ang ating nakasanayan. Kung ang lahat ay magiging maalam at may kusa sa pagtulong maaari pa nating gawan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura lalo na sa ating lugar na kinabibilangan. Sa mga produkto na ating binibili sa araw-araw, maaari nating simulan ang pagreresiklo upang mapababa ang basura na likha ng mga ito sakaling maging isa itong solusyon sa suliraning pangkapaligiran. Ang mga produktong gawa sa papel halimbawa ay maaari pang iresiklo upang mabawasan kahit kaunti ang basurang maaari nitong malikha sa ating mundo. Kapag hindi tayo kikilos sa ngayon, baka mahuli ang lahat. Kung noon pa lamang ay nagsagawa na ng mga proyekto at batas pangkapaligiran disin sana'y walang problema. Ngayon na ang panahon upang maisaayos ang suliranin natin sa basura at maging maayos ang ating pamumuhay pati na rin ang pamumuhay ng mga darating na henerasyon. Kung hindi kikilos ngayon baka sa susunod na henerasyon ay hindi na maranasan makalanghap ng sariwang hangin.
pa help po now na po
Sagot :
Natutuwa kami na ikaw ay bahagi ng aming komunidad. Patuloy na magtanong at magbahagi ng iyong mga ideya. Sama-sama tayong lumikha ng isang mas matibay na samahan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.