Maligayang pagdating sa IDNStudy.com, ang iyong platform para sa lahat ng iyong katanungan! Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto na may kaalaman.

Ang Kuwintas
By: Guy De Maupassant

Si Mathilde ay isang babaeng nagtataglay ng kagandahan at sadyang kahalihalina,ngunit sa kasawiang palad siya ay isinilang lamang sa isang kapos palad na angkan.Siya ay nagpakasal lamang sa isang lalaking may mahirap din na pamumuhay na ang pinagkakaitaan ay tagasulat lamang sa isang instruksyon na pampubliko.Ang buhay niya ay naging taliwas sa kanyang pinapangarap sapagkat ayon sa kaniyang paniniwala ang isang katulad niya na isang babaeng maganda at kahalihalina ay hindi bagay sa pagdurusa at kahirapan na kanyang nararanasan. Isang araw ng dumating ang kanyang asawa na si M.Loisel at ibinalita nito sa kanya na sila ay inaanyayahan sa isang kasayahan ni George Ramponneau. Ngunit ito ay hindi ikinatuwa ni Mathilde sapagkat ayon sa kanya ay wala siyang isusuot na magandang damit para sa kasiyahang iyon. At dahil mahal siya ng kanyang asawa ay binigyan siya nito ng pambili ng isang bestida. Gayon man si Mathilde ay hindi parin nasiyahan sapagkat wala man lamang daw siyang alahas o hiyas na maisusuot,kaya naisipan niya na humiram ng isang magandang kwentas sa kanyang mayaman at matalik na kaibigan na si Madame Forestier. Hindi naman siya hinindian nito at agad din na nakahiram. Naging lubos ang kaligayahan ni Mathilde ng gabing iyon sapagkat naging angat ang kanyang kagandahan sa mga babaeng nanduon at marami ang humanga sa kanya. Pagkatapos ng kasiyahang iyon ay umuwi na sila ng kanyang asawa masayang masaya si Mathilde ngunit pagdating nila sa kanilang tahanan ay napansin niya na nawawala ang kwentas na hiniram niya sa kanyang kaibigan na si Madame Forestier Kaya naman naisipan nila na bumili ng katulad ng alahas na iyon upang maisauli kay Madame Forestier kahit pa nga ito ay may kamahalan ang halaga. Dahilan upang sila ay maghirap ng dahil sa pagbabayad ng kanilang mga utang upang mabili lamang ang kwintas na iyon. Pagkalipas ng sampung taon natapos na nilang bayaran ang kanilang mga pagkakautang sa hindi inaasahan ay muli silang nagkita ng kanyang kaibigan n si Madame Forestier, nagulat pa ito at nagtaka ng sa hitsura ni Mathilde dahil malaki na ang pinag iba nito. Nasabi ni Mathilde na kaya sila naghirap ay dahil sa pagkawala ng kwintas na hiniram niya dito. At napilitan sila na bumili na kapalit nito kahit sa mahal na halaga. Ngunit ayon kay Madame Forestier na ang kwentas na ipinahiram niya kay Mathilde ay isang imitasyon lamang at ito ay nagkakahalaga ng limang daang prangko lamang.

Mga Tanong:

1. Paano natin maiiwasan ang sitwasyong kinasangkutan ng magawa?

2. Sa iyong palagay, nagaganap ba sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa kuwentong iyong binasa?

3. Kung ikaw si Matilde, paano mo lulutasin ang suliraning iyong kinahaharap?

4. Kung ikaw ang may akda, paano mo bibigyan ng wakas ang kuwento?

5. Magtala ng mga aral na iyong natutunan sa kuwentong binasa.

Pakisagutan po ng maayos.☺️​


Sagot :