IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mabilis na sagot. Hanapin ang mga solusyong kailangan mo nang mabilis at madali sa tulong ng aming mga eksperto.
gumawa Ng tanong gamit ang sumusunod
paghubog ng konsensya batay sa likas na batas moral Ang konsensya ay ang sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi sa tuwing atin itong nilalabanan at nagdudulot naman sa atin ng kasiyahan at magandang pakiramdam kung ang ating mga gawa, pagiisip at pananalita ay sumasang ayon sa ating pananaw sa moralidad o sa ating sariling pamantayan ng mabuti at masama. Ang salitang Griyego sa bagong Tipan na isinalin sa salitang ‘konsensya’ ay ‘suneidēsis’ na nangangahulugang ‘kaalaman sa moralidad’ o ‘kamalayan sa moralidad.’ Ang konsensya ay gumagana kung ang gawa, pagiisip at pananalita ng isang tao ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kanyang pamantayan ng mabuti at masama. Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya? ito ay nakakatulong upang ma kilala ng tao ang katotohanan na kailangan niya upang makamit ang kanyang kalayaan Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya •Antas na likas na pakiramsam at reaksyon ito ay nagsisimula sa ating pag ka bata, hindi pa natin alam ang tama at mali tayo ay umaasa lamang sa mga paalala at pasiya ng ating mga magulang o mas nakakatanda sa atin. •Antas ng Superego malaki ang bahagi na ginagampanan ng isang taong may awtoridad, itinituro sa bata kung ano ang ipinagbabawal sa lipunan at as nagiging bahagi na ito ng kanyang buhay na hindi nalalaman. •Antas ng Konsensiyang Moral habang nagkaka edad ang bata ay marami ng prinsipyong nabasa at napakinggan at mas mulat sa ating lipunan. mahalagang simulan mula bata ang paghubog ng konsensiya. Makakatulong ito upang hindi sya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o masama sa hinaharap. Ano nga ba ang layunin sa paghubog ng konsensiya? Ang layunin nito ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga sa katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Sa proseso ng paghubog mg konsensiya gamitin nang mapanagutan ang sumusunod: Isip- sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag alam at pag kuha ng mga impormasyon. Kilos loob- sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan. Puso- panalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama. Kamay- palaging isakilos ang pag gawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng panagutan sa anomang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga
Sagot :
Ang iyong presensya ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong magtutulungan upang makamit ang mas mataas na antas ng karunungan. Ang IDNStudy.com ay nangako na sasagutin ang lahat ng iyong mga tanong. Salamat at bisitahin kami palagi.