Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Magtanong at makakuha ng detalyadong sagot mula sa aming komunidad ng mga eksperto.

Bilugan ang kohesyong gramatikal na ginamit sa mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa linya ang uri nito.



1. Kung hindi dahil sa pakikialam ng iba, disin sana'y mapabibilis ang ating pagbabagong-buhay,
2. Higit na mainam na magtulungan ang lahat upang umunlad ang kabuhayan ng bansa.
3. Dapat bang opisyal lang ng pamahalaan ang kumilos para sa bansa?
4. Gabundok ang mga problemang dulot ng pagkakawatak-watak ng mga prinsipyo.
5. Kung nailabas lamang sana ang mga kaukulang pondo, disin sana'y napakikinabangan na ang mga proyektong pambayan.
6. Mas mabuti pa ang iba, may malasakit sa kapaligiran di tulad ninyo.
7. Mala-Superman ka man, di mo kakayaning mag- isa ang pagbabagong-simula ng iyong buhay.
8. Di gaanong malaki ang pondong inilaan para sa proyektong pangkabataan.
9. Kung sinimulan mo sana ang pagbabago sa kapaligran mo, disin sana'y malinis ang inyong bakuran.
10. Oo nga at malapagong ang usad ng proyektong iyan, ngunit matatapos din iyan sa oras