Makahanap ng mabilis at maaasahang mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Ang aming komunidad ay handang magbigay ng malalim at maaasahang mga sagot, anuman ang kahirapan ng iyong mga katanungan.

2. Ibigay ang iba't ibang uri ng teksto. Ipaliwanag ang bawat isa.​

Sagot :

Tekstong Impormatibo

Layunin nitong magbigay ng konkretong impormasyon tungkol sa isang tao, bagay, lugar, hayop, o pangyayari. Sinasabing ‘objective’ ang mga tekstong impormatib dahil walang halong anumang opinyon ang pagsasalaysay sa uri ng tekstong ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga kuwentong nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mga babasahing mayroon tayo sa paaralan tulad ng mga teksbuk o batayang aklat. Kadalasang sinasagot nito ang mga tanong na ano, sino, at paano.

Halimbawa:

Sampaguita ang pambansang bulaklak ng Pilipinas.


Tekstong Deskriptibo

Isa namang uri ng naglalarawang babasahin ang tekstong deskriptiv o deskriptibo. Ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kauganyan sa katangian ng mga tao, hayos, bagay, lugar, at mga pangyayari. Dahil naglalarawan ang mga tekstong deskriptib, mayaman ang mga ito sa mga pang-uri at pang-abay. Maaari din itong maging tekstong nagpapahayag ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga bagay. Ito rin ay isang paraan ng masining na pagpapahayag ng paghanga sa ilang bagay.


Halimbawa:

Mahalimuyak ang mga bulaklak sa hardin ni Aling Martha.




Tekstong Naratibo

Isang uri naman ng teksto na nagsasalaysay ng serye ng mga pangyayari ay ang tekstong narativ o naratibo. Katulad ng tekstong impormatib, ang layunin ng tekstong naratibo ay magbigay ng impormasyon. Ang kinaibahan lamang, ito ay nakatuon sa kung paano nangyari ang mga tagpo, kompleto sa panahon, tagpuan, at mga tauhan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga talambuhay, anekdota, o epiko. Maaari din itong piksyon at di piskyon.


Halimbawa:

Ipinanganak si Jose P. Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Kinitil siya ng mga Espanyol noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan.


Tekstong Prosidyural

May uri naman ng teksto na nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o mga hakbang sa paggawa ng mga bagay. Ito ay tinatawag na tekstong prosidyural. Kilala rin bilang teksto ng pagkakasunod-sunod, sumasagot ito sa mga tanong na paano—paano nabubuo ang isang bagay, paano iluto, paano isinasagawa ang isang proseso, o paano naganap ang isang pangyayari.

Halimbawa:

Ihalo ang itlog sa giniling at haluin gamit ang ispatula. Haluin nang maigi at ihulma nang pabilog gamit ang mga kamay.

Ect.




Here’s my answer:)
#Carryonlearning

Answer:

ang ibat ibang uri nng teksto ay mayroon itong mga pangunahing bahagi at ang bawat bahagi nito ay may kaugnayan na higit pa sa matibat na pangangatwiran inilalahad nito at ito ay ang kadalasan na sumasagot sa tanong na ano at sino at iba pa at ang ibat ibang mga teksto tulad nito nang mga ito panimula ang pa ay ito ang naglalahad nang mga paksang pangkalahatan ang paksang ito ay tinatalakay ang mga proposisyon na mayroon na isang opinyon na isang pwede na pag awayan at hindi pagkaintindihan na magdudulot na maaring pagtalunan ang isang bagay

at ang isa pang teksto ay ang katawan ang katawan na ito ay lahat nang mga argumento na kailangan ay nandito na ukol sa inihaing na proposisyon at kaylangan nito nang organisadong argumentatibo bukod dun dapat ay mayroon na malawak na kaalaman ang isang manunulat tungkol dito sa isang bagay na tinatalakay at ang isa pang teksto ay konklusyon ito ay ang binabahagi nito ay ang kabuoang pananaw nito

Explanation:

sana natulungan ko po kayo