IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Makakuha ng hakbang-hakbang na mga gabay para sa lahat ng iyong teknikal na tanong mula sa mga miyembro ng aming komunidad na may kaalaman.

Tayahin Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang PATAS kung tama ang pahayag, Kung mali, isulat ang salitang nagpamali sa pahayag at ang tamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang salitang ekonomiya ay nagmula sa mga salitang Griyego na oikos (bahay) at nomos (pamamahala). 2. Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa bahay. 3. Ipinapakita sa prinsipyo ng proportio ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. 4. Nagtratrabaho ang isang tao upang maging produktibo ang kaniyang sarili. 5. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan. 6. Hindi sa pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. 7. Ang lipunang pang-ekonomiya, sa mas malakihang pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan. 8. Sinisikap ng estado na maging pantay para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili. 9. Hindi lamang sariling bahay ang binubuo ng mga tao sa loob ng lipunang ekonomiya; ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa. 10. Hanapbuhay ang ibang tawag sa trabaho dahil ang hinahanap ng gumagawa ay pera. 11. Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa yamang taglay niya. 12. Ang prinsipyong iniinugan ng lipunang pang-ekonomiya ay ang pagiging patas. 13. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahan nating maging isang sino. 14. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan, 15. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na makapagdudulot pag-unlad ng bansa.​