IDNStudy.com, kung saan ang iyong mga tanong ay natutugunan ng mga maaasahang sagot. Ang aming komunidad ay narito upang magbigay ng detalyadong sagot sa lahat ng iyong mga katanungan.

Isulat sa patlang kung TAMA O MALI ang pahayag sa bawat bilang. 1. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay katulad ng pagsulat ng diary.
2. Basahin mo sa iyong isipan ang isinulat mong talumpati upang malaman kung natural ang tunog ng wika.
3. Ang ideyal na abstrak ay binubuo ng 700-1000 na salita.
4. Karaniwang gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote.
5. Ang kabuuan ng posisyong papel ay nakabatay sa opinyon.
6. Ang posisyong papel ay gumagamit ng akademikong lengguwahe.
7. May isang paraan sa pagsulat ng mahusay na akademikong teksto.
8. Ang lakbay-sanaysay ay tungkol sa lugar na pinuntahan, sa mga taong nakasalamuha, at sa sarili.
9. Sa pagsulat ng akademikong teksto, maaaring gumamit ng mga sangkap ng personal o malikhaing pagsulat.
10. Maaaring gumamit ng higit sa isang hulwaran sa isang akda.
11. Bagaman personal, kailangang panatilihin ang akademikong tono sa repleksibong sanaysay
12. Sa pagsulat ng talumpati, kailangang mapukaw ng manunulat ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang.
13. Sa pagsulat ng mga akademikong sulatin, kailangang isaalang-alang ang mga mambabasa
14. Organisado ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa akademikong sulatin.
15. Mahalaga ang kaisahan ng mga larawan sa photo essay​