Sumali sa komunidad ng IDNStudy.com at simulang makuha ang mga sagot na kailangan mo. Sumali sa aming platform upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

Si Asiong at Pusalita
May isang lalaki na nagtatrabaho sa palaisdaan malapit sa kanila. Kapag
nasa trabaho siya ay naiiwan sa bahay ang kaniyang alagang sina Asiong at
Pusalita. Isang aso si Asiong at pusa naman si Pusalita.
Ang dalawa ay palaging nag-aaway at nag-aagawan sa higaan malapit sa
may pintuan. Gustong-gusto nila doon kasi nag-uunahan silang salubungin ang
kanilang amo kapag uuwi galing sa trabaho. Palagi nilang pinagtatalunan kung
sino ang paboritong alaga ng kanilang amo. "Ako ang paborito ni tatay Carlito dahil
binabantayan ko ang kaniyang bahay kung wala siya," sambit ni Asiong. Hindi!
ako ang paborito ni tatay Carlito kasi binabantayan ko ang kaniyang bahay sa mga
makukulit na daga at katabi niya ako sa pagtulog," pagmamayabang naman ni
Pusalita. Ganito palagi ang nangyayari sa bahay ni Mang Carlito kapag wala siya.
Isang makulimlim na hapon habang papanhik ng hagdan si Mang Carlito ng
magkasalubong at nagkatitigan ang magkaaway na sina Asiong at Pusalita.
Ano ang maaaring kasunod na mangyayari? Magbigay ng tatlo.
(1)
(2)
(3).​​