IDNStudy.com, ang iyong mapagkukunan ng eksaktong at maaasahang mga sagot. Magtanong at makatanggap ng maaasahang sagot mula sa aming dedikadong komunidad ng mga eksperto.
Sagot :
Ano ang mga bagay na pwede nating matutunan sa pagbabasa ng dyaryo?
Ang mga bagay na pwede nating matutunan sa dyaryo ay:
Mga napapanahong isyu at balita
Sa pagbabasa ng dyaryo ay malalaman natin ang mga isyu at balita patungkol sa lipunan, bansa at pati na rin sa iba pang mga lugar. Hindi mahuhuli ang mambabasa sa mga ito at magkakaroon na sila ng kaalaman.
Mga malalalim na salitang hindi pa natin nalalaman
Kasama rin sa pagbabasa ng dyaryo ang pagkatuto sa mga malalalim na salitang hindi pa nalalaman ng mambabasa. Malalaman rin kung ano ang mga kahulugan nito at paano gamitin sa pangungusap.
Mga paraan ng pagsusulat ng artikulo na kahika-hikayat
Malalaman rin kung paano magsulat ng mga artikulo na kahika-hikayat at ganoon rin ang mga ineendorso sa diyaryo na matututunan ng nagbabasa.
Mga bagong salita sa libangan tulad ng crossword puzzle
Kasama na rito ang mga bagong salita at kahulugan nito sa crossword puzzle na maaaring laruin sa dyaryo. Maeensayo ang isip at matututo ang mambabasa ng sariling wika.
Mga nakakaaliw na birong matututunan mula sa comics
Sa mga comics ay maliliban at matutuwa rin sa mga biro ang mambabasa na maaari rin nilang matutunan at gamitin.
_______
#CarryOnLearning
Ang iyong aktibong pakikilahok ay mahalaga sa amin. Magpatuloy sa pagtatanong at pagbibigay ng mga sagot. Sama-sama tayong lumikha ng isang masiglang komunidad ng pagkatuto. Para sa mga de-kalidad na sagot, piliin ang IDNStudy.com. Salamat at bumalik ka ulit sa aming site.