Tuklasin ang maliwanag na mga sagot sa iyong mga tanong sa IDNStudy.com. Magtanong at makatanggap ng eksaktong sagot mula sa aming mga bihasang miyembro ng komunidad.

ano ang panahon ng metal

Sagot :

Panahon ng Metal:

Ang panahon ng metal ay ang panahon makalipas ang panahon ng bagong bato. Sa panahon ng metal, ang mga tao ay natutunan ang paggamit ng metal upang lumikha ng mga kasangkapang magagamit nila sa kanilang hanap – buhay tulad ng kutsilyo, sipat, pana, itak, at espada. Sa panahon din ng metal nakilala ang tanso bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga patalim.

Kahulugan ng panahon ng metal:  https://brainly.ph/question/36747

Mga Katangian ng Panahon ng Metal:

  1. Nagkaroon ng kaalaman sa pagmimina at pagtutunaw ng bakal na nakatutulong ng malaki sa pag – unlad ng ekonomiya.
  2. Nakagawa nag Armas, palamuti, at marami pang iba.
  3. Nakilala ang mga hittiites o ang mga taong eksperto sa pagpapanday at pagtunaw ng bakal.
  4. Nagkaroon ng mga pamayanang tinawag na barangay. Ang bawat barangay ay pinamumunuan ng datu, apo, timuay, o raha.
  5. Pag – usbong ng teknolohiya sa mga gawang kahoy sa pamamgitan ng paglililok.
  6. Napaunlad ang kalakalan sa malalayong lugar na nagbigay daan sa paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat.
  7. Nagkaroon ng mga etno – linggwistikong pangkat na kinabibilangan ng mga sumusunod: bikolano, b’laan, ilokano, ilonggo, mandaya, pampango, samal, subanon, sugbuhanon, tagalog, tausug,  tiruray, waray, at yakan.
  8. Nagkaroon ng sistema sa pagsulat gamit ang mga kawayan, dahon, at palayok bilang canvass. Ang ilan sa mga mahahalagang Gawain na naitala ay ang panganganak, pangungutang, at usaping may kaugnayan sa pulitika.
  9. Nagkaroon din ang mga tao ng kaalaman sa medisina at kalinisan o hygiene.
  10. Pagkakaroon ng mga tao ng pananampalataya sa Diyos.

Katangian ng panahon ng metal:  https://brainly.ph/question/213716

                                                  https://brainly.ph/question/47000

Tatlong Bahagi:

  • Panahon ng Tanso
  • Panahon ng Bronze
  • Panahon ng Bakal

Ang panahon ng tanso ay ang panahon kung kalian naging mabilis ang pag – unlad ng tao sa kanila ng patuloy nilang pagtangkilik sa mga kagamitang yari sa bato. Sa panahong ito napaunlad ng mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga kasangkapang yari sa tanso. Ang mga copper ore ay kadalasang pinaiinitan upang maging tanso na siyang ginagamit sa paggawa ng mga lahas sa kagamitang pandigma.

Ang panahon ng bronze ang nagpakilala sa bronze bilang pangunahing sangkap sa paggawa ng mga kagamitang pansaka. Natuklasan ng mga tao na ang bronze ay mas matibay kaysa tanso sapagkat ito ay pinaghalong tanso at lata.

Ang panahon ng bakal ay unang natuklasan ng mga Hittites. Ang mga hittites  ay isang pangkat mula sa kanlurang Asya na pinagsamang Indones at Europeo. Ang panahong ito ay isang yugto ng kaunlaran ng sinaunang tao na namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa mga kagamitan at sandata. Ito ay sumabay sa iba pang mga pagbabago sa lipunan kabilang na ang mga magkakaibang pagsasanay sa pagsasaka, at mga paniniwalang pang-relihiyon.