Balikan
Balikan muna natin ang ating nakaraang paglalakbay. Naalala mo pa ba ang huli nating
pinagusapan? Tumpak! Tungkol sa kuwentong makabanghay na may pamagat na "Ang Ama" na
nagmula sa Singapore, na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Ito ay nakatuon sa suliraning
kinakaharap ng isang ama sa pamilya at kung paano ito naka-apekto sa sikolohiya ng mga anak.
Pinag-usapan din natin ang iba't ibang kataga na ginamit sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari o transitional devices na higit na makatutulong sa pag-unawa sa kuwento.
Panuto: Sumulat ka ng isang maikling talata na naglalaman ng 3 mahahalagang pangyayari sa
kuwentong "Ang Ama". Gamitin mo ang angkop na transitional devices.