Makahanap ng mabilis na mga solusyon sa iyong mga problema sa IDNStudy.com. Sumali sa aming platform ng tanong at sagot upang makatanggap ng mabilis at eksaktong tugon mula sa mga propesyonal sa iba't ibang larangan.

sa
Panuto: Tukuyin kung anong aspeto ng pagbabago ang bawat pahayag. Isulat
bawat bilang ang letrang A kung ito ay pangkaisipan, B kung panlipunan, C kung
pandamdamin, at D kung Moral. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang-papel.
1. Laging mong sinasabi na si nanay ang may kasalanan tuwing mapapagalitan
ka ng iyong tatay.
2. Parang mas madali ka nang makapagmemorya ng mga awitin at tula.
3. Mas malimit kang kasama ng mga kaibigan o barkada kaysa sa iyong
mga kapatid.
4. Marunong ka nang gumawa ng sariling pasya kapag mayroong munting
suliranin.
5. Nagiging maramdamin ka na ngayon.
6. Nagkakaroon ka ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.
7. Para sa iyo makaluma ang istilo ng iyong magulang.
8. Nagkakaroon ka ng malasakit at pagtulong sa iyong mga kapitbahay lalo na
sa panahon ng kalamidad at sakuna.
9. Marami ka ng plano sa buhay mo lalo na sa iyong pag-aaral.
10. Gusto mo ay maraming kaibigan ngunit may itinuturing ka ring "bestfriend".
11. May paghanga ka na sa isang tao.
12. Ayaw mo na may lamangan lalo na sa iyong mga kapatid, nais mo ay pantay
pantay na pagtingin.
13. Nagiging maingat at maayos ka na sa iyong pananamit at itsura.
14. Nagiging mahusay ka na sa pakikipagtalastasan at pagbibigay mungkahi.
15. Mas nakagagawa ka ng iyong mga gawain kapag nag-iisa lamang.