Gawain 5. Sa Antas ng lyong Pag-unawa
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Paano sinimulan ng may-akda ang kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari
sa kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?
Katangian ng ama
Bahagi/Pangyayaring nagpapatunay
4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpabago sa di-mabuting pag-uugali ng
ama? Isalaysay.
5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?
6. Paano nagwakas ang kuwento?
7. "Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira
ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang
nailigtas ay nagsalo-salo
sila tulad sa isang piging na alam nilang 'di nila
mararanasang muli." Ano ang nais ipa-
hiwatig ng panghuling pangungusap na ito? Bakit
ganito ang saloobin ng mga bata?
Patunayan.
8. Anong kultura ng mga taga-Singapore ang masasalamin sa kuwentong ito?
9. Paano naman ipinakikita ng mga Pilipino ang pagmamahal sa mga namatay na mahal
sa buhay? Sa ibang bansa sa Asya?
10. Bakit may uring makabanghay ang kuwento?