ARALING PANLIPUNAN 9
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto?
A. Itinuturing na pangunahing suliraning panlipunan ang kakapusan.
B. Ang kakapusan ay pansamantala lamang sapagkat may magagawa pa ang tao upang
masolusyunan ito.
C. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat
ng pinagkukunang yaman ng bansa.
D. Alokasyon ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng
kakapusan.
4. Tumutukoy ito sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at
serbisyo upang mapunan ang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
A Alokasyon
B. Presyo C. Kakapusan D. Kakulangan
5. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay
A. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga
pangangailangan at hilig-pantao.
B. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya.
C. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at
hilig-pantao.
D. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig.
6. Nakasalalay sa pangangailangan ng tao ang mga produkto at serbisyo na lilikhain.
Anong pangunahing katanungang pang-ekonomiya ang sinasagot ng pahayag?
A. Ano-ano ang produkto at serbisyong gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang produkto o serbisyo ang gagawin?
7. "Kung sino ang dapat makinabang o ang mas nangangailangan ng mga lilikhaing
produkto o serbisyo." Anong pangunahing katanungang pang-ekonomiya ang sinasagot
ng pahayag?
A. Ano-ano ang produkto at serbisyong gagawin?
B. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
C. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
D. Gaano karami ang produkto o serbisyo ang gagawin?
8. "There isn't enough to go around?" ay pahayag mula kay John Watson Howe. Ano ang
ibig ipakahulugan nito?
A. Limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya't kailangan gumawa ng tamang
desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito upang matugunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Walang hanggan ang pangangailangan ng tao gayun din ang mga pinagkukunang-
yaman.
C. Ang walang pakundangang paggamit ng pinagkukunang-yaman ay hahantong sa
kakapusan.
D. May hangganan ang halos lahat ng pinagkukunang-yaman sa buong daigdig.
9. Bakit nagkakaroon ng kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman?
A. dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang yaman
B. dahil likas na malawakan ang paggamit ng mga tao sa pingkukunang yaman ng
bansa.
C. dahil limitado ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
D. dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ipinagbibili sa
pamilhan.