PAGYAMANIN
GAWAIN 1. Lagyan ng tsek (/) ang mga pangungusap na nagbibigay ng tamang impormasyon ukol sa inyong
nabasa sa modyul na ito 15 puntos
1. Makikita ang mga batang may social anxiety na nanginginig, namumutla, pinagpapawisan,
at hirap sa paghinga.
2. Laging iniisip ng may social anxiety ang takot na magkamali o magmukhang walang katuturan
ang kanilang sinasabi.
3. Ang mga batang may mood swings ay mabilis na pabago-bago ang nararamdaman.
4. Ang batang madalas na nakararanas ng mood swings
ay mainam na
magpakonsulta sa
doktor upang masuri baka may mas malalim na
dahilan kung bakit ganoon na lamang ang
kanyang ipinapakita.
5. Pareho ang panunukso sa bullying sapagkat may positibo at negatibong epekto sa kapwa
6. Huwag mag-react o magpakita na ikaw ay naaapektuhan
dahil gustong-gusto ng mga
bully
at mapanukso ito.
7. Iwasang ipakita na takot at apektado ka dahil mahahalata ng mga bully at mapanukso ang
mga senyales na iyon.
8. Gumanti dahil maaaring dito ka na lamang makababawi sa taong nanakit sa iyo.
9. Hindi maaayos ang problema kung gaganti ka lamang dahil baka maggantihan na lamang
kayo habang nasa iisang paaralan kayo.
10. Huwag lumapit sa kanila at iwasan ang mga lugar kung saan ka rin maaaring saktan.