PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari. Numero #1 ang
ilalagay kung sa tingin mo ito ang unang nangyayari sa kuwento, #2 sa
kasunod na nangyari hanggang sa bilang #10 na siyang pinakahuling
naganap sa akda.
Kahit hirap na hirap dahil sa sunod-sunod na paghilab ng tiyan ay tinungo ni Lian-chiao
ang Hsiang Chi Coffee Shop para magpatulong sa asawang nadatnan niyang abalang-
abala sa pagsusugal.
Kinagalitan ni Li Hua ang mga batang sumunod sa kanilang ina at pagkatapos ay
pinaandar ang inarkilang sasakyan para madala sa ospital si Lian-chiao.
Habang abala at hindi magkandaugaga si Lian-chiao sa pagluluto ay naghanap ng
pampaligo ang kanyang asawa kaya't mabilis niyang iniwan muna ang iniluluto at saka
inihanda ang inigib na tubig para pampaligo ni Li Hua.
Maya-maya'y dumating si Li Hua. Malakas ang boses habang sinasabihan ang
nagsasampay na si Ah Yue. Pagkatapos ay mabilis na pumasok at nagalit dahil
hindi pa luto ang hapunan.
Habang inihahanda ang pampaligo ng asawa ay sumagitsit sa kawali ang inasnang isda
kaya minura at sinigawan ni Li Hua si Lian-chiao dahil napakabagal daw nitong kumilos
at hindi naamoy ang nasusunog nang isda.
Naglalaba ang buntis na si Lian-chiao katabi ang bunsong anak habang nagsasampay
ang panganay niyang si Ah Yue kahit hindi pa halos maabot ng bata ang sampayan.
Nang gabing iyon, kahit pagod ay hindi makatulog si Lian-chiao. Naalala niya kung
paano siyang ipinagkasundo ng kanyang ina kay Li Hua sa edad na labinlima at ito ang
naging simula ng miserable niyang buhay. Maya-maya'y biglang sumakit ang kanyang
tiyan at naramdamang manganganak na siya.
Nang matapos kumain at paalis na muli ang lalaki ay nagmakaawa si Lian-chiao ng
bigyan siya ng isang dolyar na pambili ng itlog na gagamitin sa nalalapit niyang
panganganak subalit hindi siya binigyan ni Li Hua dahil natalo raw ito ng dalawampung
dolyar sa sugal.
Pagód na si Lian-chiao sa katatapos na labahin at sa walang tigil na pagtatrabaho,
ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinindihan ang apoy sa
pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pang
kasangkapan sa kusina dahil baka magalit ang asawa kapag dumating ito mula sa
pagsusugal nang wala pang hapunan
Sumunod sa ina ang magkapatid na sina Ah Yue at Siao-lan dahil nagising ang bunso
kaya dinala ng ate sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kahit hirap na hirap ang kalooban dahil
maiiwan ang maliliit na mga anak nang walang kasama ay pinakiusapan ng ina
naiuwi at alagaan muna ni Ah Yue ang nakababatang kapatid.