Gawain sa Pagkatuto Bilang 11: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat
ang sagot sa kwaderno.
1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw,
makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may
pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon.
A.
malikhaing pag-iisip
C. pagkabukas ng isipan
B. mapanuring pag-iisip
D. pagsusuring personal in
2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng
mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa:
A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba
B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan
C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon
D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon
3. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan
kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan
kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang
iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
A. pagsusuring personal
B. malikhaing pag-iisip
C. mapanuring pagsusuri
D. pagkabukas ng isipan
4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo
ng desisyon?
A. Nakakatulog ka ng mahimbing
B.
Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga
C.
batay sa tamang
Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay
katwiran.
D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at
pag-aalala.
5. Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit
kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera?
I.
Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.
II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.
III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat
huling taon mo na sa elementarya.
IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring
magamit upang makatulong sa pamilya.
V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang
alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral.
A. I, II, at III
B. II, IV, at V
C. II, III, at V
D. III, IV, at V
PIVOT 4A CALABARZON