1. Pagpapaliban ng pagbili ng isang bagay upang makamit ang ibang bagay
2. Ito ang pagpapasiya kung saan gagamitin ang nalikom na buwis upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
3. Ito ay may kinalaman sa desisyon ukol sa iba't ibang gamit ng limitadong pinagkukunang yaman.
4. Isang gawain ng tao at pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan.
5. Pagpapasiyang ginawa ng pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.
6. Isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang-daan ang higit na mas makabuluhang paggagamitan nito.
7. Pagpili at pasiya ng isang indibidwal upang matugunan ang kaniyang pangangailangan.
8. Ito ay may kinalaman sa pakinabang na natatamo mula sa ginawang pagpili.