Sumali sa IDNStudy.com para sa detalyadong mga sagot sa iyong mga tanong. Ang aming mga eksperto ay handang magbigay ng malalim na sagot at praktikal na solusyon sa lahat ng iyong mga tanong.

B.
Muning! Muning!
Si Muning!
Hanap nang hanap si Susan kay Muning. Dala ni Susan ang
lalagyan ng pagkain ni Muning. May laman na ang lalagyan, pero wala
si Muning. Wala siya sa kusina. Wala rin siya sa silid. Nasaan kaya si
Muning?
Bumaba ng bahay si-Susan. Hinanap niya kung naroon si Muning.
Ikot na siya nang ikot, pero hindi pa rin niya nakita. Baka lumabas ito ng
bahay.
Ngiyaw! Ngiyaw!
Hayun si Muning! Ngiyaw siya nang ngiyaw. Nasa loob siya ng
kahon. May mga kasama si Muning sa loob ng kahon.
Nakita ni Susan ang kasama ni Muning. Mga kuting ang kasama ni
Muning sa kahon! May puti, itim at magkahalong puti at itim na kulay ng
kuting. Tuwang-tuwa si Susan!


Ano ang KASUKDULAN at KATAPUSAN ng Kwento?​