RETORIKA
isipin Mo
Pagsulat ng Sariling Talumpati
Maraming paraang magagawa upang mapahusay ng isang manunulat ang talumpating kaniyang
isusulat. Unang dapat isaalang-alang dito ay ang pagpili ng paksa.
Sa pagpili ng paksa, kailangang tumugon ito sa layunin. May layon ba itong magturo, mag-
pabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna, at bumatikos?
Bigyan din ng pansin ang organisasyon (panimula, gitna, at wakas), nilalaman, at mekaniks sa
pagsulat ng talumpati.
Isulat Mo
Sumulat ng sariling talumpati na isinasaalang-alang ang dapat tandaan sa pagsulat nito. Pumili ng
isang napapanahong isyu o paksa tungkol sa wikang pambansa. Kapag nabuo na ang isinulat na
talumpati bigkasin ito nang maayos.
Pamagat