1. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming pamumuhay.
2. Nagtatawanan at nagkukulitan kahit may problemang nararanasan, at
kinakaya namin ang anumang unos na dumating dahil lagi kaming magkakasama.
3. Kaya para sa akin, siya ang pinakamagaling na ina sa buong mundo kasi
maayos niya kaming napalaki kahit nag-iisa na lamang siya ngayon.
4. Sampung taong gulang pa lamang ako noon at nasa ikaanim na baitang,
nang malaman ng manggagamot na may kanser sa atay ang aking ama.
5. Ika-tatlumpu ng Hunyo 2004, ipinagdiriwang namin ang kaniyang kaarawan.
nagluto ang aking ina. Kaunti lang ang handa at kami lang ang nagsalu-salo.