I. Gawain 2: Think Pair Share (5 minuto)
II. Mga Layunin: Nakapagsusuri ng mga situwasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap at
pakikipagtulungan sa kapareha.
III. Mga Kailangang Materyales: panulat
IV. Panuto: Dalawahang Gawain
Gamit ang estratehiyang Think Pair Share, basahin at unawaing mabuti ang situwasyon at
pag-usapan ng iyong kapareha ang inyong kasagutan. Gawing gabay ang mga
nakatalang
katanungan sa ibaba.
Situwasyon 1:
Sabik na sabik ka na sa pagbubukas ng klase. Handa na ang iyong mga kagamitang
pang-eskuwela at nasasabik ka ng makilala ang mga bago mong kaklase. Subalit sa unang
araw pa lamang ng pasukan ay may kaklase ka na ayaw kang paupuin sa bakanteng upuan
malapit sa kaniya dahil para daw iyon sa kaniyang bag at iba pang gamit.
Ano ang iyong gagawin?
Situwasyon 2:
Pag-uwi mo galing sa paaralan ay nakita mong tambak ang mga hugasin sa kusina. Ang
ate mo ang nakatuka upang maghugas subalit hindi pa siya nakauwi ng bahay. Gustuhin mo
mang gawin ang responsibilidad niya kaso namamaga ang iyong kamay. Maya-maya lang ay
uuwi na ang inyong mga magulang at siguradong magagalit dahil hindi pa nahugasan ang
pinagkainan.
Ano ang iyong gagawin?
Mga Tanong:
1. Magkapareho ba o magkaiba ang inyong mga sagot? Bakit?
2. May karanasan ka rin ba sa buhay na nahirapan kang magpasya? Bakit?
3. Ano-ano ang mga bagay na iyong isinaalang-alang mo sa paggawa ng pagpapasya?