PAUNLARIN
Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol
sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin
ang mga kaalamang ito sa tulong
ng mga teksto at mga gawain na inihanda
upang maging batayan mo ng
impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin
ng bahaging ito ay matutuhan mo
bilang mag-aaral ang mahahalagang
ideya tungkol sa ekonomiks. Mula sa
mga inihandang gawain at teksto
ay inaasahang gagabay ito sa iyo upang
masagot kung ano ang kahulugan at
kahalagahan ng ekonomiks sa pang-
araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at
kasapi ng pamilya at lipunan.
Halina't umpisahan mo sa pamamagitan
ng gawain na nasa ibaba.
Kahulugan ng Ekonomiks
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng
tao gamit ang limitadong pinagkukunang
-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego
na oikonomia, ang oikos ay nangangahulugang
bahay, at nomos na pamamahala
(Viloria, 2000).
Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997).
Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang
ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga
desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati
-hati ang mga gawain at nagpapasya
kung paano hahatiin ang limitadong
resources sa maraming pangangailangan at
kagustuhan. Ang pagpapasya ng
sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung
magkano ang ilalaan sa pangangailangan
sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga
bagay na nakapagbibigay ng kasiyahan
sa pamilya.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba't
ibang desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon
kung ano-anong
produkto at serbisyo ang gagawin, paano gagawin
, para kanino, at gaano karami ang
gagawin. Lumalabas ang mga batayang
katanungang nabanggit dahilan sa suliranin
sa kakapusan. May kakapusan dahil
may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman
at walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng
tao. Dahil sa kakapusan
,
kailangan ng mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang
-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan
ng tao at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas
at kapital. Ang yamang likas ay maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng
17