"Ang Ama" (kuwento, Singapore)
ANG AMA
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. An
takot ay sa alaala ngisang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapama
ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang
niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubosniya nang
mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa
mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit
ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata
lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.